Walang Pinoy na nadamay sa Canada stabbing spree-DFA

Walang Pinoy na nadamay sa Canada stabbing spree-DFA

September 6, 2022 @ 7:50 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Walang Pilipinong naiulat na namatay o nasugatan sa pananaksak sa Saskatchewan, Canada.

Kinumpirma ito mismo ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“Philippine Consul General Zaldy Patron said that no Filipino has been reported killed or injured in the stabbing attacks in Saskatchewan, Canada,” ayon sa pahayag ng DFA.

Sa ulat, 10 indibidwal ang nasawi habang 15 ang sugatan sa naganap na pananaksak ng sinasabing dalawang suspek.

Nabatid na ang pananaksak ay naganap sa 13 magkahiwalay na lokasyon.

Ang mga pinuno ng James Smith Cree Nation ay nagdeklara ng state of emergency, kasunod ng madugong insidente. RNT