Walang Pinoy na nadamay sa plane crash sa China – PH consul

Walang Pinoy na nadamay sa plane crash sa China – PH consul

March 22, 2022 @ 7:32 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Walang Pilipino na sakay sa bumagsak na China Eastern jet sa kabundukan ng Southern China nitong Lunes.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Philippine Consul General to Beijing Dinno Oblena na pawang mga Chinese ang sakay ng Boeing 737-800.

Nakikipag-ugnayan din naman po ang konsulada sa Guanzhou, local authorities sa probinsya at na-confirm na walang foreigner at wala po tayong mga kababayan na among don sa listahan ng passengers ng nasawing eroplano,” ani Oblena.

Nabatid na galing sa Kunming City ang eroplano at papunta sa Guangzhou nang mangyari ang trahedya.

Sakay nito ang 132 pasahero at crew ng eroplano.

Dahil sa insidente ay posibleng ipatigil na muna ng China ang pagpapalipad ng mga Boeing 737 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sinasabing posibleng ituring na deadlist crash sa China ang naturang insidente na ngayon lang ulit nangyari sa nakalipas na tatlong taon.

Dahil sa insidente, naputol ang record ng China na 4,227 safe flight days sa kanilang civil aviation history. RNT/ JCM