Walang Pinoy na sugatan sa gas leak sa Jordan – PH embassy

Walang Pinoy na sugatan sa gas leak sa Jordan – PH embassy

June 29, 2022 @ 12:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Embassy sa Jordan nitong Martes na walang Pinoy na naiulat na nasaktan sa chlorine gas leak sa Aqaba port ng Jordan na nag-iwan ng hindi bababa sa 12 katao ang namatay at 251 pa ang nasugatan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Embahada na mahigpit nilang binabantayan ang mga pangyayari sa nasabing insidente.

“To date, there are no reports of Filipinos included among the casualties,” aniya pa.

Sinabi ng mga opisyal noong Lunes na ang pagtagas ay nangyari matapos ang isang tangke na puno ng 25 tonelada ng chlorine gas na ini-export sa Djibouti ay nahulog habang dinadala.

Kaya naman pinayuhan ng Embahada ang mga Pilipino sa Aqaba na sumunod sa lahat ng mga tagubilin mula sa mga lokal na opisyal ng pampublikong kaligtasan.

Ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong ay maaaring tumawag sa hotline ng Embassy sa 077-907-7775. RNT