Walang pinsala sa GenSan airport sa lindol – CAAP

Walang pinsala sa GenSan airport sa lindol – CAAP

January 19, 2023 @ 6:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Huwebes, Enero 19 na walang tinamong pinsala ang General Santos City Airport kasunod ng magnitude 7 na lindol na yumanig kahapon.

Ayon kay CAAP General Santos manager Joel Gavina, normal ang operasyon ng paliparan makatapos ang lindol.

Matatandaan na niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Davao Occidental at ang epicenter nito ay naitala 346 kilometro timog-silangan ng Balut Island, Sarangani.

Iginiit naman ni CAAP spokesperson Eric Apolonio, na walang dapat ipag-alala ang mga pasahero dahil nananatiling normal ang operasyon at mga flight sa lugar. RNT/JGC