Walang pinsala sa telecom facilities kasunod ng Abra quake – DICT

Walang pinsala sa telecom facilities kasunod ng Abra quake – DICT

July 28, 2022 @ 4:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Huwebes na walang naitalang pinsala sa telecommunications facilities sa quake-hit areas sa Northern Luzon.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DICT Assistant Secretary Anna Mae Lamentillo sna natapos na ng ahensya ang inspeksyon ng communications facilities sa mga rehiyong apektado ng magnitude 7 earthquake.

“Sa Cordillera Region, Region I, Region II, Region III wala pong na-damage na communications facility pati government facility,” sabi ni Lamentillo.

Gayunman, sinabi ng DICT official na nagtalaga ang ahensya ng VSAT (very small aperture terminal) satellite phones upang tiyakin ang maayos na komunikasyon para sa rescue operations.

“As of now, restored na po lahat ng ating communication points,” ani Lamentillo.

Sinabi rin niya na tumutulong din ang telecommunications companies gaya ng PLDT-Smart at Globe sa quake-hit areas.

Nagtalaga ang PLDT-Smart at Globe ng libreng calls, charging, WiFi stations sa Ilocos Sur, Abra, at Benguet. RNT/SA