Manila, Philippines – Maraming lugar sa National Capital Region ang nakararanas ng matinding pagbaha tuwing umuulan, lalo na kung bumabagyo.
Ang pinakamasang epekto nito ay madalas suspendido ang mga klase sapagkat madalaw na ring umuulan at bumabagyo sa bansa.
Hindi na maipagkakaila ninuman ang napakalalang suliranin natin sa pagbaha, kaso wala akong nababalitaang kongretong hakbang na ginagawa ang Department of Public Works and Highways na pinamumunuan ni Secretary Mark Villar.
Hindi ba malaking problema ang baha para hindi solusyonan ito?
Hindi dapat umasa si Villar sa Metropolitan Manila Development Authority sapagkat napakaraming problema ang ahensyang ito.
Pangongotong nga ng ilan sa mga traffic enforcer nito ay hindi na matapos-tapos, baha pa kaya.
Kung hindi bulag o manhid si Villar, dapat mayroon na siyang ginagawang hakbang para masimulan ang paglalatag ng solusyon sa matindi at malalang pagbaha sa NCR at maging sa iba pang lalawigan sa bansa.
Hindi tamang walang plano si Villar.
Huwag na munang unahin ang kanyang plano sa eleksyong 2022 dahil napakalayo pa nito.
BANGSAMORO
VILLAGE SA QC
Gusto rin ni Vice Mayor Joy Belmonte na magkaroon ng batas sa Quezon City para sa pagkakaroon ng “Bangsamoro Cultural Village” bunga ng pagkakaroon ng panibagong batas para sa Bangsamoro sa ilang lalawigan sa Mindanao.
“I was thinking along the lines of transforming the Salaam Compound into a tourist destination.
“Now, it’s still not as pretty, but you know it’s just a matter of fixing the electrical lines, making some sidewalks and then asking residents to spruce up their façade,” saad ni Belmonte.
Ang gustong mangyari ng magiging alkalde ng lungsod ay “reflective of the culture of the Muslim people, but right in the heart of Quezon City.
“They cook traditional halal Muslim food.
“So now, what you just have to do is make sure that their food is safe, may sanitation permits, and then you can actually bring tourists there to eat,” patuloy ni Belmonte.
Ipagpatuloy mo ‘yan VM Joy Belmonte para makatulong ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa pagpapalaganap at patuloy na pagpapakilala ng kultura ng Bangsamoro sa mga kababayan.
-BADILLA NGAYON NI NELSON BADILLA