Walang planong lockdown sa Maynila – Isko

Walang planong lockdown sa Maynila – Isko

December 5, 2020 @ 12:54 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – “Walang plano ang lungsod ng Maynila na mag-lockdown hanggang sa matapos ang December 31, 2020.”

Ito ang paglilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso hinggil sa kumakalat na balita sa social media sa umano’y pagpapatupad ng lockdown sa Maynila simula Dec. 20 hanggang Dec. 31, 2020.

Ayon kay Domagoso, kaya may Manila Public Information Office (MPIO) Facebook page at Isko Moreno Domagoso FB page kung saan tuwing Biyernes ay may lingguhang ulat sa bayan ang alkalde ay upang magbigay ng impormasyon sa publiko.

Aniya, wala umanong plano ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na magpatupad ng lockdown maliban na lamang umano kung magpapabaya at hindi tutupad sa mga health protocol ang publiko kung saan posibleng kumalat ang impeksyon ng COVID-19.  Jay Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...