Walang politikong nagbayad ng extortion fee sa komunista nitong eleksyon – DILG

Walang politikong nagbayad ng extortion fee sa komunista nitong eleksyon – DILG

May 13, 2022 @ 7:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na walang naiulat na politiko o local government unit (LGU) officials ang nagbayad ng permits to campaign fee o kahit na anumang uri ng tulong sa mga grupong terorista gaya ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa katatapos lamang na eleksyon sa bansa.

“Marereport po natin Mr. President na sa mga permit to campaign na inilabas ng NPA ay wala tayong namonitor na mga politicians na pumatol dito, nagbigay ng pera o resources sa CPP-NPA,” ang sinabi ni Año kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the People ng huli, araw ng Huwebes.

Sinabi ng Kalihim na magsasampa ng kaukulang kaso ang DILG laban sa mga personalidad na lalabag sa Republic Act 10168, o mas kilala bilang “Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012”, na isa ring paglabag sa Seksyon 261 ng Omnibus Election Code at Article 137 ng Revised Penal Code o Disloyalty of Public Officers.

Nakasaad sa Seksyon 4 ng Republic Act 10168 na “any person who finances terrorist groups to carry out or facilitate the commission of any terrorist act, by a terrorist organization, association or group, or by an individual terrorist, shall be guilty of the crime of financing terrorism.”

Samantala, sinabi ni Año na mapayapa sa pangkalahatan ang katatapos lamang na halalan kumpara noong 2010 at 2016 national at local elections.

Sa chart na ipinakita sa Pangulo, makikita rito na mayroong 166 validated election-related incidents (ERIs) noong 2010, 133 (ERIs) noong 2016, at tanging 16 ERIs ngayong 2022.

“To sum it up from Jan. 9 to May 9, 2022, Año said the reported ERIs happened in Regions 1 (Ilocos Region), 5 (Bicol region), 3 (Central Luzon), 9 (Zamboanga Peninsula), 10 (Northern Mindanao) and the Cordillera Administrative Region (CAR),” ayon sa Kalihim.

“As of May 9, seven deaths and 33 injured persons in 27 violent election-related incidents. On the day of the election, authorities registered 27 incidents including 11 shooting/mauling incidents, three explosions, two ballot snatchings, four commotions, three assaults, two strafings, and two destructions of vote-counting machines,” aniya pa rin.

Sinabi pa niya na ang shooting incidents ay nangyari sa Albay, Negros Oriental, Basilan, Zamboanga del Norte at Cotabato City, Maguindanao, at sa Lanao del Sur.

Nangyari aniya ang makalawang ulit na pagsabog ng granada sa Maguindanao at isang beses naman sa Cotabato, habang ang ballot snatching incidents ay nangyari sa Lanao del Sur at Basilan.

“instances of commotion transpired in Maguindanao, Camarines Sur, Lanao and Tawi-Tawi, while physical assault inside the polling precincts were reported in Batangas, Maguindanao and Abra with strafing incidents occurring twice in Basilan,” ani Año.

Ang napaulat naman aniya ng pagkawasak ng vote counting machines ay sa Lanao del Sur.

Tanging anim lamang mula sa nasabing violent incidents ang election-related matapos ang balidasyon.

Iniulat din ni Año na may kabuuang 41 violators ang sangkot sa vote-buying incidents na naitala mula Enero 1 hanggang Mayo 9, 2022.

Ang kaso aniya ng apat na vote-buying suspects ay ini-refer sa Prosecutors’ Office habang ang isa naman ay “subjected to direct filing.”

“As of May 9,” iniulat ni Año na 7 ang patay at 33 naman ang nasaktan sa 27 violent election-related incidents.

“on the day of the election, authorities registered 27 incidents including 11 shooting/mauling incidents, three explosions, two ballot snatchings, four commotions, three assaults, two strafings, and two destructions of vote-counting machines,” anito. Kris Jose