Walang power interruptions sa Malampaya shutdown – DOE

Walang power interruptions sa Malampaya shutdown – DOE

December 23, 2022 @ 3:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Energy nitong Biyernes, Disyembre 23 na walang maitatalang power interruption sa kabila ng maintenance shutdown sa Malampaya natural gas facility sa Pebrero ng susunod na taon.

“The Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project will have a scheduled maintenance work from February 4 to 18, 2023,” ani Energy Secretary Raphael Lotilla sa isang virtual press briefing.

“This is a regular maintenance activity that is closely coordinated not only with the department but all the other relevant stakeholders,” dagdag pa niya.

Ani Lotilla, sa pamamagitan ng maintenance shutdown ng Malampaya project na siyang nagsu-supply ng 20% ng power requirement ng Luzon, ay masisigurong maayos ang pasilidad at mga kagamitan nito para maiwasan ang mga insidente ng mas matinding pinsala sa hinaharap.

“During this period, the supply of gas will temporarily stop, and will lead the power plants to switch to alternate sources of fuel,” aniya.

Nakikipagtulungan naman umano ang DOE sa iba pang mga ahensya upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa Pebrero.

Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Guevarra, ang maintenance para sa Malampaya project ay orihinal na nakatakda na sana noong Oktubre na follow-up ng scheduled maintenance na isinagawa noong 2021 ngunit dahil sa epekto ng COVID-19 ay naudlot ito.

Dahil dito ay iniurong sa unang bahagi ng 2023 ang maintenance upang maiwasan ang epekto ng mga bagyo sa huling bahagi ng 2022.

“That’s non movable. I wanted to add that in talking with officials of the previous administration, they are concerned as well with the Malampaya maintenance,” ani Guevarra.

“We had a conversation with the NGCP, yesterday… There is a generation margin this February so we are not worried… We have enough generation margin for the month of February even if the Malampay is down,” dagdag niya.

Nang tanungin naman kung maaapektuhan ba ng Malampaya maintenance shutdown ang presyo ng kuryente ng mga konsumidores, hindi naman ito makapagbigay ng eksaktong numero.

“We pray and hope that the international prices of liquid oil fuels will go down further in the next year or during the February and summer months so that it can tide over the country or Luzon grid in particular over these summer months.” RNT/JGC