Walang profiling ng raliyista – PNP

Walang profiling ng raliyista – PNP

May 13, 2022 @ 12:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Iginiit ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes na hindi nagbigay ng anumang kautusan ang organisasyon nito na i-profile ang mga nagpoprotesta na dumalo sa rally sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) noong Martes, Mayo 10.

Sa isang pahayag, nilinaw ng PNP na ipinakalat ang mga pulis noon sa lugar upang matiyak ang seguridad sa panahon ng aktibidad ng mga nagpoprotesta.

“The PNP has not given any directive to profile any personalities,” ayon sa PNP.

“The main duty of the PNP personnel deployed in these protest rallies is to ensure that the entire activity is peaceful and will not resort to violence or any untoward incident.”

Ayon sa PNP, karaniwang gumagawa ng situationer report ang mga tauhan nito kung saan kasama ang tinatayang bilang ng mga kalahok at ang kabuuang assessement ng aktibidad. Ang ulat ay gagamitin bilang batayan sa pagpaplano para sa pag-deploy sa mga katulad na kaganapan.

“We assure everyone that the PNP will impose maximum tolerance in these protest rallies. We respect the people’s right to voice out their opinions in assemblies or gatherings but we will truly appreciate if it will be done in a peaceful manner,” pagsisiguro pa ng PNP.

Isang araw pagkatapos ng pambansa at lokal na halalan noong Mayo 9, nagtipon ang mga grupo mula sa sektor ng kabataan at paggawa sa harap ng pangunahing tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila upang iprotesta ang resulta. RNT