Walang reenacted budget sa 2022- Speaker Velasco

Walang reenacted budget sa 2022- Speaker Velasco

August 26, 2021 @ 7:11 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nanindigan si House Speaker Lord Allan Velasco na walang reenacted budget para sa susunud na taon at ang target nilang maipasa ang  P5.024-trillion national budget ay kanilang maisasagawa sa takdang oras.

Ang pagtiyak ni Velasco ay kasunod na rin ng agam-agam na kulang na sa oras ang Kamara para maipasa ang budget lalo at pagsapit ng Oktubre ay magbubukas na ang pagsusumite ng Certificate of Candidacy.

“We, in the House of Representatives, need to get our act together to ensure swift and smooth passage of the 2022 national budget in order for the government to continue operating and provide much-needed services to the Filipino people as it is expected to,” pahayag ni Velasco.

Batay sa iskedyul ng Kamara ay kailangan nilang maipasa ang 2022 national budget pagsapit ng Setyembre 30.

Plano ng Malakanyang na pagdating ng Disyembre ay maisabatas na ang 2022 General Appropriations Act upang hindi maapektuhan ang economic growth ng bansa at mangyayari lang ito kung agad na maaaprubahan ang proposed budget ng Kamara at Senado.

Ang 2022 proposed budget ay mataas ng 11.5 percent kumpara sa P4.506 trillion budget noong 202.

Ang bulto ng budget sa susunud na taon o nasa 38.3 percent o kabuuang P1.922 trillion ay mapupunta sa social services pangunahin na ang pagbili ng bakuna at iba pang gamit para labanan ang COVID 19 habang 29.3 percent o P1.474 trillion ay sa economic services; 17.2 percen  P862.7 billion ss general public services; 10.8 percent o PHP541.3 billion ay pambayad utang at 4.5 percent o P224.4 billion sa defense.

Sinimulan na ng . House Committee on Appropriations ang budget deliberations at nangako itong magkakaroon ng marathon hearing para mapaspasan ang pagsalang sa budget hearing ng mga government agencies. Gail Mendoza