Walang Russian embassy staff na sugatan sa sunog – DFA

Walang Russian embassy staff na sugatan sa sunog – DFA

February 6, 2022 @ 2:30 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas lahat ang mga occupants o nag-ookopa sa Russian embassy sa Pilipinas na tinamaan ng sunong, Biyernes ng gabi.

“In connection with the fire at the Russian Embassy yesterday evening, the Department of Foreign Affairs is relieved to learn from Ambassador Marat Pavlov that all his personnel have been accounted for and are safe,” ayon sa kalatas ng DFA.

“The Russian Embassy is taking measures to ensure the integrity and security of the chancery premises and the properties inside, as it should, taking special care that diplomatic correspondence is protected,” ayon pa rin sa DFA.

Ayon sa ulat, tinamaan ng sunog ang embahada ng Russia sa Dasmarinas Village, Makati City nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa BFP, sumiklab ang second floor ng embassy sa Acacia Street bandang alas 8:30 ng gabi.

Umakyat sa 2nd alarm ang sunog dakong alas 8:42 ng gabi bago ito nakontrol alas 9:38 ng gabi. Idineklara naman itong fire out bandang alas-2:10 ng madaling araw Sabado.

Sa video na kuha ng Fire And Rescue Alert Responders, makikita ang lakas ng lagablab na tanaw mula sa kalsada.

Nangangalap pa ng karagdang impormasyon ang Makati Central Fire station ukol sa naturang sunog sa Russian embassy.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog kung saan umabot ng mahigit P101 milyon ang pinsalang idinulot. Kris Jose