Walang senyales ng PH blacklist sa China tourist – DFA

Walang senyales ng PH blacklist sa China tourist – DFA

October 13, 2022 @ 7:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang nakikitang senyales ng pagka-blacklist ang Pilipinas sa mga turista mula China, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ayon kay Henry Bensurto, Assistant Secretary for Consular Affairs, sa kasalukuyan ay wala silang natatanggap na kahit anong abiso o impormasyon tungkol sa usaping ito.

Si Bensurto rin ay isa sa mga key officials na aabisuhan kung inilagay nga ang Pilipinas sa travel blacklist ng China ay hindi umano sila nakatatanggap ng kahit anong abiso.

“Me, personally, because I am not the entire DFA, but within our office we have not gotten any notice yet that I am aware of,” sagot niya sa tanong ng mga reporter sa DFA Office of Consular Affairs nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 12.

“Whether it’s done in another office I would have no information or no way of knowing that essentially,” dagdag pa niya.

Patuloy naman tinitingnan ni DFA spokesperson Tess Daza kung may abiso ang China sa kanilang departamento.

Matatandaan na nagkaroon ng kalituhan sa naturang isyu nang sabihin ni Senate President Juan Miguel Zubiri noong Martes na inilagay ang Pilipinas sa tourist destination blacklist sa China tourists dahil sa patuloy na operasyon ng offshore gaming.

Agad naman itong itinanggi ng Chinese Embassy sa Manila at sinabing “misinformation” ang pahayag na ito. RNT/JGC