Walang seryosong banta sa Bagong Taon – PNP

Walang seryosong banta sa Bagong Taon – PNP

December 26, 2022 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naitatala na “credible” o seryosong banta na maaaring mambulabog sa selebrasyon ng Bagong Taon sa bansa.

Ito ay pagkatapos ng mapayapa at matagumpay naman na selebrasyon ng Pasko ng mga Filipino.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, handa naman na magsagawa ng kaukulang adjustments ang pulisya kung kakailanganin ng dagdag na deployment at interbensyon.

“So far, we have not monitored any credible and serious threat that may somehow disrupt our peaceful holding of our New Year celebration come December 31 up to January 1,” ani Fajardo sa panayam ng ANC.

“But we expect that we will be making the same necessary adjustment if the need arises,” dagdag pa niya.

Handa rin ang mga police field commanders na mas palawakin pa ang kanilang mga isasagawang adjustments kaugnay ng deployment ng mga tauhan kung matukoy nila ang mga lugar na talagang dinadagsa ng napakaraming mga tao.

Kasabay nito, nagpaalala naman si Fajardo sa publiko na ugaliing ikandado ng mabuti ang mga tirahan kung aalis sa extended holidays hanggang sa Bagong Taon.

“Make sure to lock your respective houses, doors, and even windows and if there is someone who can watch over your house, it will be better so that it can be monitored from time to time,” aniya.

Inirekomenda rin niya na iwasan ang pagpost sa social media ng kinaroroonan ng mga tao upang maiwasan na magkaroon ng ideya ang mga masasamang loob.

“Instead of posting it in real time, if you cannot prevent posting your activities, maybe you can post that later than during the actual time that you are out of your houses,” sabi pa ni Fajardo.

Bilang pagtatapos, sinabi rin niya na walang naitalang anumang untoward incident kasabay ng siyam na araw na “Simbang Gabi” at ng Christmas weekend. RNT/JGC