PDu30 sa incoming DOTr chief: PH railway system ayusin

June 26, 2022 @9:00 AM
Views:
7
MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga incoming Department of Transportation (DOTr) officials na ipagpatuloy lamang ang pagsasaayos ng railway system sa bansa.
Sa idinaos na pagbubukas ng PNR Lucena-San Pablo Commuter Line, sinabi ni Pangulong Duterte na ang “championed programs” ng administrasyon ang nagpunan sa puwang sa transport sector.
“Now, I urge DOTr, especially those who will be left behind, and those who will take over the mantle of leadership, to continue leading the improvement of our railway systems,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“It is my hope that you will never lose sight of this goal as the enhancement of this vital transportation connection will be the key to unlocking even better opportunities for our countrymen,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte si DOTr Secretary Arthur Tugade at ang mga opisyal ng Philippine National Railways (PNR) para sa pagbubukas ng PNR Lucena-San Pablo Commuter Line.
“I have no doubt that the next administration would continue to build and build. The next generation, our sons and daughters by that time would have a perfect mass transport system,” ayon sa Chief Executive.
Aniya, mas magiging “accessible and easier to manage” na ang mga lugar gamit ang epektibong mass transport system.
Mapapalakas din aniya ng sistema ang tourism sector dahil sa “attractions and landmarks” na naka-stationed malapit sa railway terminals.
Aniya, ang bagong railroad ay makapagpapaiksi sa travel time sa pagitan ng San Pablo, Laguna, at Lucena, Quezon mula 1 oras ay magiging 30 minuto na lamang ito.
Idinagdag pa nito na, ito na ang mahalagang hakbang tungo sa pagpapanumbalik ng Bicol Express ng PNR na magkokonekta sa Kalakhang Maynila sa mga lalawigan ng Southern Luzon at Bicol Region.
“Indeed, this project is proof of our commitment to enhancing mobility and connectivity across the archipelago by improving our routes and bringing convenience to our fellow Filipinos,” paliwanag ni Pangulong Duterte.
Labis naman ang pasasalamat ng Pangulo sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya para sa pagpapabuti ng serbisyo at ng bansa.
“As my term in office comes to a conclusion, I am thankful that I spent my last days as president witnessing events like this and realizing that even amid challenges around us we will leave a legacy that brought meaningful and lasting changes to the lives that we have touched,” aniya pa rin. Kris Jose
Paglalakbay para sa sustainable, climate-resilient PH ipagpapatuloy ng DENR

June 26, 2022 @8:51 AM
Views:
13
MANILA, Philippines- Upang protektahan ang likas na yaman at kapaligiran nangako si dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna na isusulong ang pagsisikap ng bansa upang makamit ang climate-resilient at low-carbon economy sa pamamagitan ng sustainable management sa likas na yaman.
“The Duterte administration has already set us on the road to resilience. We will continue to advance the climate agenda and support the implementation of our Nationally Determined Contribution (NDC) in order to make our communities and our natural resources resilient to the changing climate,” ani Sampulna.
Kabilang sa tinukoy na pangako ng bansa sa NDC nito sa Paris Agreement, binigyang-diin ng DENR chief na ang kasalukuyang rehabilitasyon ng Manila Bay at ang pagpapalawak ng wastewater treatment facilities ay makatutulong upang makamit ng bansa ang pangakong mabawasan o maiwasan ang greenhouse gas (GHG) emission ng 75 percent.
Ayon pa sa DENR para sa kontribusyon sa implementasyon ng NDC sa taong 2030, pumili na rin ang DENR ng 18 lungsod sa buong bansa para maging bahagi ng training-workshops sa GHG emissions inventory at climate action planning para sa preparasyon ng pagbuo ng kanilang “city promises,” kabilang na dito ang plano upang matugunan ang solid wastes, wastewater, at urban greening at iba pa.
Binigyang-diin nito ang pagsisikap ng Task Force Build Back Better na naitatag sa bisa ng Executive Order 120, na layuning mapabuti ang climate resilience sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo sa pamamagitan ng implementasyon ng integrated watershed management at flood mitigation measures, at ang pagsasagawa ng community engagements, rapid biodiversity assessment sa mga iminungkahing relocation sites, at ang green assessments para sa rehabilitasyon at pagpapasaayos ng mga naturang lugar.
Sinabi pa nito na nakumpleto na ng DENR ang green assessment sa Palawan sa pamamagitan ng Sustainable Interventions for Biodiversity, Oceans, and Landscapes (SIBOL) project ng United States Agency for International Development (USAID).
Kaugnay nito inatasan din ni Sampulna ang DENR-MIMAROPA na tukuyin at ipatupad ang “restoration measures” sa Palawan.
Ang green assessment ay magsisilbi ring on-the-job training at “learning experience” ng mga kalahok mula sa DENR regional offices, at local government units na labis na naapektuhan ng bagyong Odette noong Disyembre 2021.
Ang resulta ng assessment ay magsisilbing basehan para makabuo ng management recommendations at monitoring plans para sa reconstruction, restoration, rehabilitation, at resilience planning.
Binanggit din ni Sampulna ang memorandum of agreement sa pagitan ng DENR at ng Jaime V. Ongpin Foundation, Inc. para sa P10-million assistance upang tumulong sa restorasyon at rehabilitasyon ng mangrove areas, maging ang implementasyon ng solid waste management activities sa Siargao Island. Santi Celario
Mga natatanging magsasaka, organisasyon, komunidad kinilala ng DAR

June 26, 2022 @8:40 AM
Views:
11
MANILA, Philippines- Bilang kontribusyon sa pagpapa-unlad sa repormang agraryo kinilala ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga namumukod-tanging kontribusyon ng mga kababaihan at kalalakihang agrarian reform beneficiaries (ARBs), ARB organizations (ARBOs), at AR communities (ARCs) para sa kanilang napakahalagang kontribusyon sa matagumpay na pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa bansa sa isang simpleng seremonya na ginanap noong Hunyo 24, 2022.
Iginawad ni DAR Undersecretary for Support Services Office (SSO) Atty. Emily O. Padilla ang mga plake ng mga sertipiko sa mga pangunahing tagapagpatupad ng repormang agraryo, na bukod sa mga tumatanggap ng mga lupain at mga suportang serbisyo mula sa DAR, ay mga aktibong kalahok at pinuno, na nag-ambag upang maging produktibo ang mga iginawad sa kanilang mga lupain sa ilalim ng CARP.
Kaugnay nito binigyang-diin ni Padilla na ang mga awardees ay naging instrumento upang ang mga ARBO ay maging daluyan ng suportang serbisyo at naging instrumento ng kaunlaran upang baguhin ang mga ARB mula sa simpleng magsasaka ng lupa tungo sa pagiging magsasakang-negosyante sa mga komunidad sa kanayunan.
“Isang pribilehiyo at malaking karangalan para sa akin na kilalanin ang mga modelong ARB, progresibong ARBO at progresibong ARC na naging bukas sa pagbabahagi ng kanilang mga kuwento at mga gawi upang mag-ambag sa tagumpay ng programang repormang agraryo sa bansa,” ani Padilla.
Sinabi ni Padilla na ang programa ng DAR na parangal at pagkilala ay naging daan sa pagbuo ng isang grupo ng mga kampeon sa repormang agraryo na magsisilbing tagapagtaguyod upang suportahan ang CARP, gayundin bilang mga epektibong tagapagbalita upang itaguyod ang pinakamahusay na mga kasanayan sa paghahatid ng mga suportang serbisyo.
“Ang pinakamahusay, ang pinaka-malikhain, at kaaya-ayang pamamaraan ng mga ARBO sa larangan ng pagpapaunlad at pamamahala ng negosyo, kasama ang kanilang mga produkto at serbisyo sa komunidad ay binigyan ng halaga at pagkilala,” dagdag niya.
Ang mga tumanggap bilang mga natatanging ARB ay sina Edgar N. Sumat mula sa Tarlac, Cecilia Garcia Gamit mula sa Nueva Ecija, Mabini B. Besino sa Capiz, Shariza Shaika Requiero sa Albay, at Flaviano Hilay mula sa Zamboanga del Norte. Santi Celario
LPA magpapaulan sa Visayas, 5 pang lugar

June 26, 2022 @8:30 AM
Views:
14
MANILA, Philippines- Magiging maulap ang kalangitan sa Visayas at iba pang lugar na sasabayan ng kalat na pag-ulan ngayong Linggo dahil sa low pressure area (LPA) sa silangan ng Surigao del Sur, ayon sa PAGASA.
Kabilang sa limang apektadong lugar ang Calabarzon, Bicol Region, Caraga, Marinduque at Romblon.
Sa mga nabanggit na lugar, magiging maulap ang kalangitan at magiging maulan. Posible ring bumaha o gumuho ang lupa sa oras ng moderate to heavy rains.
Namataan ang LPA 95 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, kaninang alas-3 ng madaling araw, batay sa PAGASA.
Samantala, makararanas sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap na kalangitan na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies at localized thunderstorms.
Inaasahan naman na ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:29 ng madaling araw at lulubig mamayang alas-=6:29 ng hapon. RNT/SA
Tirador ng convenience store todas sa engkwentro sa Bulacan

June 25, 2022 @5:00 PM
Views:
95