Walang shortage sa paracetamol – gov’t

Walang shortage sa paracetamol – gov’t

January 4, 2022 @ 10:50 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry sa publiko na walang shortage sa paracetamol sa bansa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID>

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, wala pa silang natatanggap na report sa shortage ng over-the-counter drugs na gamot sa lagnat.

“Wala po kaming natatanggap na report on the shortage,” sabi ni Lopez nitong Lunes. “Lalo na iyong mga paracetamol, wala po. Ang dami ho niyan at saka ang dami pang generics niyan, so hindi po concern iyon.”

Sa social media posts, kanya-kanyang hinaing ang netizen na nagkakaubusan na umano ng mga paracetamol sa pangunahing drug store dahil sa patuloy dumarami ang nagkakaroon ng trangkaso. RNT/FGDC