Walang taas-presyo ng Christmas products – DTI

Walang taas-presyo ng Christmas products – DTI

September 17, 2020 @ 11:25 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi inaasahang magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong pang-Pasko dahil sa umano’y mababang demand nito sa publiko, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) ngayong Huwebes.

Sa kabila nito, inaayayahan ni DTI Secretary Ramon Lopez ang publiko na mamili pa rin ng mga produkto para makatulong sa mga negosyo at ekonomiya ng bansa sa kabila ng pandemya.

“Ang demand ay mahina naman kaya hindi natin inaasahang talagang tataas ang mga presyo ngayong kapaskuhan na ‘to,” ani Lopez sa interbyu sa Teleradyo.

 “So sana na nga lang, hindi sobrang bumagal ang demand, ito rin ang kailangan ng negosyo ngayon na sana mga kababayan natin, mamili pa rin nang mamili,” dagdag pa niya.

Para masiguro namang walang pagsirit sa presyo, maglalabas pa rin ang DTI ng suggested retail prices sa mga Christmas product sa mamimili at magbebenta. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...