Walang trabaho sa ilang korte kasunod ng M-7 quake – SC 

Walang trabaho sa ilang korte kasunod ng M-7 quake – SC 

July 27, 2022 @ 5:14 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Korte Suprema ang trabaho sa ilang korte kasunod ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra na naramdaman maging sa Metro Manila at mga karatig-probinsya.

Sa isang tweet, inanunsyo ng SC nitong Miyerkules na suspendido ang trabaho sa mga branch at opisina ng Malabon Regional Trial Court.

Sinuspinde rin ang trabaho sa Regional Trial Court at Municipal Trial Court ng Lingayen at sa Hall of Justice sa Urdaneta City.

Wala ring pasok sa San Fernando Municipal Trial Court sa Cities Branches 1 at 2 maging sa Office of the Clerk of Court.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), niyanig ng magnitude 7 na lindol bandang alas-8:43 ng umaga ang Tayum, Abra.

May lalim ito na 17 kilometro.

Naiwang patay ang apat na indibidwal habang 60 naman ang sugatan dahil sa kalamidad. RNT/SA