Walang #TransportStrike sa Pasay – Mayor Emi

Walang #TransportStrike sa Pasay – Mayor Emi

March 4, 2023 @ 1:00 PM 3 weeks ago


Sa kabila ng deklarasyon na malawakang 7-araw transport strike bilang protesta sa planong pag-phaseout sa mga tradisyunal na public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila at iba pang probinsya ay tuloy pa rin ang pagpapasada ng iba’t ibang jeepney operators at tsuper nitong darating na Lunes (Marso 6) sa Pasay City.

Ito ay napag-alaman kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano bunsod sa ginanap na dayalogo sa Pasay City Hall nitong Marso 2 kung saan tiniyak ng sampung samahan at kooperatiba ng mga tsuper at operators sa lungsod na hindi sila lalahok sa tigil-pasada na nakatakdang simulant sa darating na Marso 6 na magtatagal hanggang Marso 12.

Kasabay nito ay pinasalamatan ni Calixto-Rubiano ang mga transport leaders sa hindi paglahok ng mga ito sa malawakang tigil pasada sa Lunes para sa kanilang pagbibigay ng serbisyo sa mga pasahero pati na rin ang mga mananakay na umaasa sa public transport services ng mga Pasay Jeepney Operators and Driver’s Association (JODA).

Tiniyak din ni Calixto-Rubiano ang seguridad ng mga namamasadang jeepney drivers sa araw ng nakatakdang transport strike sa pakikipatulungan ni Pasay City police chief P/Col Froilan Uy.

Sinuportahan din ni Calixto-Rubiano ang hinaing at rekomendasyon ng mga transport operators kaugnay sa PUJ modernization program ng gobyerno.

ā€œAko po mismo ang magpaparating ng inyong mga hinaing sa ating mahal na Pangulo (Bongbong Marcos Jr.). Gumawa po kayo ng manifesto o sulat sa ating mga kinauukulan at ako mismo ang magbibigay sa ating mahal na Pangulo,ā€ ani pa Calixto-Rubiano.

Samantala, may nakalatag na ring contingency measures ang Pasay City government para asistihan ang mga mapeperwisyong mananakay sa araw ng strike.

Sa inisyal na pagbalangkas ng Mayor’s Office, Pasay Traffic & Parking Management, Tricycle-Pedicab Franchising, at ng Public Information Office ay magpapatupad ng ā€œLibreng Sakayā€ ang lokal na pamahalaan sa loob ng pitong araw na strike sa Metro Manila.

Hindi bababa sa 35 motorized vehicle ang itatalaga ng lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang lugar para mag-alok ng libreng sakay sa mga maaapektuhang commuters.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na apat na strategic location ang maging destinasyon ng libreng sakay sa lungsod na sisimulan ng alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga habang nakatakda namang ang libreng sakay sa hapon mula alas-4:00 hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ang strategic location ng apat na balikang destinasyon ng libreng sakay ay Kalayaan–MOA; Malibay–City Hall; Vito Cruz–EDSA; at Pasay Public Market–Vito Cruz.

Ang dayalogo ay dinaluhan ng mga kinatawan ng grupong Malibay-MOA Libertad JODA; Baclaran-Nichols Transport Coop. (BNTSC); Cabrera- Jeepney Operators-Drivers Association (CJODA); MIA-Baclaran Domestic JODA; Pasay-Pier JODA; Airmen Jeepney Operators-Drivers Association (AJODA); Pasay City Transport Coop.; MBJODA; PRODA; at M. Dela Cruz Libertad-Harrison JODA. James I. Catapusan