Walang tsunami threat sa M-7 na lindol-PHIVOLCS

Walang tsunami threat sa M-7 na lindol-PHIVOLCS

July 27, 2022 @ 12:02 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Binago ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lakas ng nauna nitong naitalang magnitude 7.3 na lindol na yumanig sa Abra.

Batay sa bagong abiso ng seismic bureau ibinaba ang lakas ng lindol sa magnitude 7 na lang.

Nilinaw din ni PHIVOLCS chief Renato Solidum na walang tsunami threat sa mga baybayin ng Pilipinas matapos ang lindol.

Nauna nang naitala ng PHIVOLCS ang lindol dakong 8:43 ng umaga ng Miyerkoles at sumentro sa 17.63°N, 120.74°E – 002 km N 20° silangan ng Lagangilang sa Abra.

Tecctonic ang pinagmulan ng lindol.

Naramdaman ang lakas ng pagyanig o intensity sa mga sumusunod na lugar:

  • Intensity VII – Vigan City

  • Intensity V – Laoag City, Ilocos Norte; Peñablanca, Cagayan; Dagupan City, Pangasinan;
    Sinait, Ilocos Sur; Baguio City

  • Intensity IV – Gonzaga, Cagayan; Baler, Aurora; Bayombong, Nueva Vizcaya; Ramos, Tarlac; Ilagan, Isabela; Basista, Pangasinan; Claveria, Cagayan; San Jose, Palayan City and
    Cabanatuan City, Nueva Ecija; Madella, Quirino; Tabuk, Kalinga; Santiago City, Isabela

  • Intensity III – Quezon City; Iba, Zambales; Navotas City, Malabon City, Metro Manila;
    Magalang & Guagua Pampanga; Bolinao, Sison & Infanta, Pangasinan; Bulakan, San Ildefonso,
    Guiguinto, Plaridel, and Malolos City, Bulacan; Tarlac City, Tarlac

  • Intensity II – Dona Remedios Trinidad, Angat & Santa Maria, Bulacan; Tagaytay City, Cavite;
    Pasig City Metro Manila; Polillo, Gumaca & Infanta, Quezon

  • Intensity I – Tanay, Taytay, Morong, Antipolo City, Rizal; Marilao,Bulacan; San Juan City,
    Las Pinas City, Metro Manila; Lucban, Quezon; Subic, Zambales; Mercedes,Camarines Norte;
    Olongapo City, Zambales; Carmona, Cavite

Nagbabala ang Phivolcs sa mga pagguho at aftershock. RNT