Walang tsunami threat sa Pinas kasunod ng Indonesia quake- PHIVOLCS

Walang tsunami threat sa Pinas kasunod ng Indonesia quake- PHIVOLCS

December 14, 2021 @ 2:54 PM 9 months ago


MANILA, Philippines- Walang naitalang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng magnitude 7.6 na lindol na tumama sa Indonesia nitong Martes, ayon sa PHIVOLCS.

“No tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” saad sa abiso ng PHIVOLCS.

Makikita sa nakalap na datos ng PHIVOLCS na tumama ang lindol alas-11:20 ng umaga sa 7.8°S, 122.3°E sa Flores Sea sa Indonesia. May lalim naman itong 76 kilometro.

Base sa PHIVOLCS, posible umano ang mapanganib na tsunami waves sa mga baybayin na saklaw ng 1,000 kilometro ng earthquake epicenter.

“This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” batay sa abiso. RNT/SA