Walang variant-variant, publiko pinag-iingat vs COVID – WHO

Walang variant-variant, publiko pinag-iingat vs COVID – WHO

April 19, 2022 @ 12:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dapat sundin ng publiko ang mga pag-iingat laban sa Omicron, anuman ang subvariant nito, dahil mas madaling maililipat ito kaysa sa orihinal na lineage ng COVID-19, sabi ni WHO representative Rajendra Yadav.

“We don’t know whether it will change immunology or severity picture of the world yet. Irrespective of what variant, omicron is already so many times more infectious than the original variant of COVID-19 so we have to treat all these variants with equal precautions and equally intense actions,” ani Yadav.

“We have to keep vaccinating and masking.”

“Reaching endemicity with COVID-19 is “not a great picture,” dagdag pa ni Yadav .

Ang Endemic ay hindi aniya magandang larawan dahil maraming sakit ang endemic tulad ng tuberculosis ay endemic at pumapatay ito ng milyun-milyong tao. Sa halip, kailangan aniya nating maghangad ng patuloy na pagsugpo sa COVID-19 pandemic.

Ayon pa kay Yadav,kailangang magkaroon ng sapat na mga resources upang pamahalaan ang anumang mga surge.

Sinabi nito na kailangang pigilan ang kamatayan at pagdurusa at kailangan maiwasan na maging endemic ito.

Hinalimbawa rin ni Yadav ang malaria na isa ring endemic sa ilang mga bansa at ito ay pumapatay din ng milyun-milyon.

May kabuuang 12.6 milyon sa 50.1 milyong indibidwal na kwalipikado para sa booster shot ang nakatanggap nito, ayon sa Department of Health.

Ang nasa 37.6 milyon pa ay dahil sa karagdagang bakuna.

Inaprubahan ng Food and Drug Administration noong nakaraang linggo ang pangalawang booster shot para sa mga matatanda, immunocompromised, at healthworkers. Jocelyn Tabangcura-Domenden