#WalangPasok bukas, Oktubre 27

#WalangPasok bukas, Oktubre 27

October 26, 2022 @ 4:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nauna nang nag-anunsyo na wala pa ring pasok sa lahat ng antas ng paaralan, pampubliko man o pribado sa probinsya ng Abra bukas, Oktubre 27.

Ito ay dahil pa rin sa epekto ng magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Abra nitong Martes ng gabi, Oktubre 25.

Kasabay nito ang isasagawang inspeksiyon sa gusali ng mga paaralan upang matiyak ang seguridad ng mga estudyante kapag nagbalik na ang pasok sa probinsya.

Sa kasalukuyan ay tanging Abra pa lamang ang nag-anunsyo na #WalangPasok bukas.

I-refresh lamang ang post na ito para sa pinakabagong impormasyon. RNT/JGC