#WalangPasok, Oktubre 19-21 sa HFM disease

#WalangPasok, Oktubre 19-21 sa HFM disease

October 19, 2022 @ 7:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dahil sa hinihinalang mga naitalang kaso ng hand, food and mouth disease (HFMD), suspendido ang pasok sa mga paaralan mula daycare hanggang Grade 3 sa walong mga barangay sa San Pascual, Batangas.

Ito ay ang mga sumusunod:

Pook ni Kapitan
Pook ni Banal
Resplandor
Natunuan North
Antipolo
Mataas na Lupa
Sambat
Sto Nino

Ayon sa lokal na pamahalaan, magtatagal ang suspensyon ng klase hanggang Biyernes dahil sa nasa 150 kaso ng HFMD na naitala sa lugar.

Matatandaan nauna nang sinabi ng Department of Health na tututukan nilang mabuti ang kaso ng sakit na ito dahil sa nakakahawa ito at nakakaapekto sa mga bata.

“We already did our investigation at nagbigay na rin tayo ng mga preventive measures para sa mga barangay na ito,” ani Vergeire.

“Usually, itong mga sintomas na ito ay mild lang siya. At katulad ng ibang virus self-limiting. Ibig sabihin kapag tapos ng lima hanggang pitong araw tapos na ang sakit. Usually, ang mga apektado dito ay mga bata. Pero it can happen to anybody,” dagdag pa niya.

Ilan sa mga sintomas ng hand, foot and mouth disease ay lagnat, ubo, sipon at mga pantal o sugat sa kamay, paa at bibig. RNT/JGC