#WalangPasok, Oktubre 26 sa sama ng panahon

#WalangPasok, Oktubre 26 sa sama ng panahon

October 26, 2022 @ 8:05 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ng suspensyon ng klase sa mga paaralan ang ilang local government units dahil sa tuloy-tuloy na mga pag-ulan dulot ng shear line at ng northeast monsoon o Amihan.

Ang mga lugar na #WalangPasok ngayong Miyerkules, Oktubre 26, 2022 ay ang:

– Buong probinsya ng Rizal, lahat ng antas, pribado at publiko

– Tanza, Cavite, lahat ng antas, pribado at publiko

Sa 11 p.m. advisory ng PAGASA nitong Martes, Oktubre 25 ay inaasahan pa rin ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Metro Manila at Calabarzon sa susunod na 24 na oras.

I-refresh lamang ang post na ito para sa pinakabagong impormasyon. RNT/JGC