#WalangPasok sa anibersaryo ng Yolanda sa Nob. 8

#WalangPasok sa anibersaryo ng Yolanda sa Nob. 8

November 6, 2022 @ 1:54 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Idineklara ang suspensyon ng klase at trabaho sa ilang bayan at lungsod sa Samar at Leyte bilang bahagi ng paggunita ng ika-9 na anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Martes, Nobyembre 8.

Sa magkakahiwalay na executive order, inanunsyo nina Mayors Alfred Romualdez, Ed Ong, Remedios Petilla, and Percival Ortillo Jr. ang klase sa lahat ng antas sa eskwelahan at trabaho sa mga government offices sa Tacloban City, Carigara, at Palo sa Leyte, maging ang Marabut, Samar.

Ani Romualdez, magkakaroon ng serye ng mga aktibidad na gagawin sa Tacloban bilang pag-alala sa mga naging biktima ng malakas na bagyo na tumama noong Nobyembre 8, 2013.

Dagdag parito, paraan din upang alalahanin ang katatagan ng mga residente ng Tacloban City sa kanilang pagbangon dahil dito.

Matatandaan na kabilang ang Tacloban at ilang mga lugar sa Samar at Leyte ang pinadala ng bagyong Yolanda na kumitil ng mahigit 6,000 katao.

Nanawagan naman ang Diocese of Borongan sa mga mananampalataya na ipanalangin ang paghahadya ng Diyos sa bansa laban sa matitinding bagyo at iba pang kalamidad.

“Many of the calamities we face are related to climate change and global warming as pointed out by scientists and experts. We must hear the poor cry of our planet for common action to save our common home,” ani Borongan Bishop Most Rev. Crispin Varquez. RNT/JGC