#WalangPasok sa lahat ng lebel sa QC sa Lunes

#WalangPasok sa lahat ng lebel sa QC sa Lunes

July 24, 2022 @ 9:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga klase sa lahat ng lebel sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lungsod, para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nilagdaan ni Belmonte nitong Sabado ang Executive Order 18 na nagdedeklara sa suspensyon ng mga klase sa nakatakdang SONA ni Marcos sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

“The residents and students of Quezon City may be affected by road closures which will undeniably affect the flow of traffic [for] both motorists and the riding public,” saad sa utos.

Nauna nang pinayagan ng local government unit earlier ang Bagong Alyansang Makabayan at allied organizations nito na magsagawa ng kilos-protesta sa Commonwealth Avenue.

Ito ang naging desisyon ng LGU matapos ipag-utos ni Belmonte ang dayalogo kasunod ng pagbasura ng Department of Public Order and Safety ng lungsod nitong Huwebes sa aplikasyon ng Bayan na mag-rally sa Batasan Road.

Samantala, inilagay ang Batasang Pambansa Complex sa lockdown bilang bahagi ng security measures para sa SONA. RNT/SA