#WalangPasok sa Maynila sa Jan. 9

#WalangPasok sa Maynila sa Jan. 9

January 5, 2023 @ 6:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Suspendido ang klase at trabaho sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa darating na Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Batay sa nilagdaang Executive Order No. 1 ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pambribadong eskwelahan, online at face-to-face class, gayundin ang trabaho sa lahat ng opisina sa Manila City Hall maliban sa trabaho na nagbibigay serbisyo sa pangangailangan ng Manilenyo.

“All city government officials in all departments, offices, and bureaus in the City Government of Manila except those involved in frontline services which include peace and order, public services, traffic enforcement, disaster and risk reduction management, and health; it is likewise ordered that classes in all levels in Manila City for both public and private schools whether online or in-person be suspended on 09 January 2023,” saad sa kautusan.

Habang ang pagsususpinde ng trabaho sa mga tanggapan ng pambansang pamahalaan at pribadong kumpanya sa Maynila ay ipinauubaya ng kanilang pamamahala.

Bukod sa suspension sa klase at trabaho, naglabas din ng EO No. 2 ang opisina ng Alkalde na magpapatupad ng “liquor ban” mula Enero 7 hanggang 9 sa lahat ng lugar na nasasakupan ng Pista ng Itim na Nazareno.

“A ban on the sale of all alcoholic beverages in the areas covered by the parish of the Minor Basilica of the Black Nazarene from 07 January 2023 up to 09 January 2023,” saad sa kautusan. JAY Reyes