#WalangPasok sa SC sa Miyerkules sa hagupit ni #FloritaPh

#WalangPasok sa SC sa Miyerkules sa hagupit ni #FloritaPh

August 23, 2022 @ 4:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Supreme Court nitong Martes na suspendido ang trabaho sa mga opisina nito sa Miyerkules, Agosto 24,  kasunod ng hagupit ni Severe Tropical Storm Florita.

Sa isang memorandum, inihayag ng Supreme Court na sinusupinde nito ang trabaho kasunod ng anunsyo ng Malacañang sa kanselasyon ng trabaho sa gobyerno at kanselasyon ng klase sa public schools mula Martes hanggang Miyerkules.

“In light of the announcement of the Office of the President suspending government work and classes in all levels in public schools in Metro Manila and nearby provinces including Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Zambales, and Bataan from Tuesday until Wednesday due to the onslaught of Severe Tropical Storm “Florita,” as recommended by the National Disaster Risk Reduction and Management Council, suspension of work will be implemented in the different offices in the Supreme Court on Wednesday, August 24, 2022,” saad sa memorandum na nilagdaan ni Chief Justice Alexander Gesmundo.

“The suspension will prevent any untoward incidents and will ensure safety of the Justices, officials and employees,” ayon pa sa abiso.

Saklaw ng suspensyon ng trabaho sa government offices at klase sa public schools ang Metro Manila, at mga karatig-probinsya kabilang ang Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales, at Bataan. Ikinasa ang suspensyon kaninanag ala-1 ng hapon, ayon sa Office of the Press Secretary. RNT/SA