#WalangPasok sa UST sa Mayo 9-10

#WalangPasok sa UST sa Mayo 9-10

May 4, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde ng University of Santo Tomas (UST) ang mga klase at trabaho mula May 9 hanggang 10 upang magbigay-daan sa pagboto ng mga estudyante at empleyado ng unibersidad.

“To allow the eligible members of the Thomasian community to exercise their right of suffrage this coming week, classes in all levels and office work in the University of Santo Tomas will be suspended on May 9 and May 10, 2022 (Monday and Tuesday),” anunsyo ng Office of the Secretary-General ng UST sa isang abiso sa Facebook nitong Miyerkules.

Hinikayat naman ng unibersidad ang mga estudyante at empleyado nito na bumoto “for the sake of the common good of the Filipino nation.”

“Likewise, we pray for clean, orderly, credible, and peaceful elections,” dagdag nito. RNT/SA