#WalangPasok, Setyembre 21, 2022

#WalangPasok, Setyembre 21, 2022

September 21, 2022 @ 9:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dahil sa nagpapatuloy na sama ng panahon bunsod ng southwest monsoon o habagat ay suspendido pa rin ang klase ngayong araw, Setyembre 21 sa mga sumusunod na lugar:

Calatagan, Batangas – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Lemery, Batangas – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Lian, Batangas – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Tuy, Batangas – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Taal, Batangas – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Calaca, Batangas – preschool hanggang senior high school

Taal, Batangas – preschool hanggang high school

Matatandaan na kahapon, Setyembre 20 ay maraming mga local government units sa Metro Manila ang nagdeklara ng suspensyon ng klase dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng nabanggit na weather system.

I-refresh lamang ang post na ito para sa karagdagang detalye ukol sa suspensyon ng klase. RNT/JGC