#WalangPasok: Suspensyon ng klase dahil sa bagyo, pwede pa – DILG

#WalangPasok: Suspensyon ng klase dahil sa bagyo, pwede pa – DILG

September 15, 2020 @ 7:29 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinagot ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang malaking katanungan ng mga magulang at mga estudyante kung sususpendihin pa rin ba ang klase sa tuwing may bagyo sa kabila ng blended learning na ipinatutupad dahil sa pandemya.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya na tuloy pa rin ang suspensyon ng klase tuwing may bagyo at nakadepende pa rin ito sa mga  local government unit.

“In case of online classes or tinatawag na blended learning, ‘pag may bagyo, posibleng kailangan ihanda ng mga pamilya ang kanilang bahay… apektado sila by blackouts or by intermittent signal ng mga internet service provider,” ani Malaya.

Ayon pa kay Malaya na maari ring konsultahin ng LGUs ang lokal na internet service provider ukol sa suspensyon ng klase para sa mga estudyanteng dumadalo sa online class.

“Kailangan sigurong ma-consult ang mga internet service provider kung maapektuhan ba ang signal during typhoon or any natural calamity,” aniya pa.

Nauna nang sinabi ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na maari pa ring ipatupad ang suspensyon ng klase dahil sa hindi magandang panahon. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...