#WalangTubig ng 2 linggo sa Cavite, ilang lugar sa MM

#WalangTubig ng 2 linggo sa Cavite, ilang lugar sa MM

January 4, 2023 @ 8:09 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Magtitiis pa ng hanggang dalawang linggo ang ilang mga residente na sapul ng water service interruption ng Maynilad sa ilang lugar sa Cavite at southern Metro Manila.

Base kasi sa abiso ng Maynilad, aabot sa Enero 15 pa ang isinasagawang pagsasaayos ng nasirang sludge removal equipment sa treatment plant ng Maynilad sa Putatan, Muntinlupa kaya magpapatuloy ang kakulangan ng tubig sa 6 na bayan sa Cavite, Las Piñas, Muntinlupa at Parañaque.

Nakikipag-ugnayan na umano ang Maynilad sa  mga lokal na pamahalaan para madagdagan ang water tankers na umiikot sa mga apektadong lugar habang inaayos ang nasirang equipment sa planta. RNT