#WalangTubig sa bahagi ng Pasig sa Marso 16-17

#WalangTubig sa bahagi ng Pasig sa Marso 16-17

March 14, 2023 @ 10:13 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Manila Water Company (Manila Water) nitong lunes ang water interruption dahil sa service improvement activities sa bahagi ng Pasig City  mula March 16 hanggang 17.

Sa Pasig City, kabilang sa mga apektadong lugar mula alas-10 ng gabi sa March 16 hanggang alas-4 ng madaling araw sa March 17 ang parte ng Barangay Pinagbuhatan partikular sa M. H. Del Pilar ar Suarezville para sa line maintenance.

Kabilang din sa mga apektadong lugar ang bahagi ng Barangay Palatiw, partikular sa N. Cruz, para sa line maintenance.

Nag-abiso ang kompanya sa mga residente sa mga apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig para sa kanilang mga pangangailangan sa service improvement activities.

Nagpaalala rin ito na hayaan munang dumaloy ang tubig sa loob ng ilang minuto hanggang maging malinaw ito kapag bumalik na ang water service. RNT/SA