#WalangTubig sa ilang lugar sa Maynila ‘gang Peb. 20

#WalangTubig sa ilang lugar sa Maynila ‘gang Peb. 20

February 17, 2023 @ 3:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Maynilad Water Service Inc. ang pagpapatupad ng water service interruptions sa apat na lungsod sa southern Metro Manila simula Biyernes, Peb. 17 hanggang Peb. 20 dahil sa paglabo ng tubig.

Sinabi ng Maynilad na ang water service interruption ay ipatutupad mula 5:00 a.m. hanggang 12:01 a.m. araw-araw sa Feb.17 hanggang February 21 sa Barangay Almanza Dos sa Las PiƱas City at Barangay Poblacion at Tunasan sa Muntinlupa City.

Walang tubig ang mga Barangay Alabang, Buli, Cupang at Sucat sa Muntinlupa mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng umaga sa Pebrero 17-21.

Ilang bahagi sa Barangay Alabang, Bayanan, Poblacion, Putatan at Tunasan ay walang supply ng tubig 1:00 p.m. hanggang 3:00 a.m. araw-araw sa Peb. 17-21.

Labing-isang barangay sa Las PiƱas City ang maaapektuhan ng water service interruption simula 8:00 p.m. hanggang 6:00 a.m. araw-araw sa Peb. 17-21.

Ang mga apektadong barangay ay ang mga Barangay CAA, Manuyo Dos, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Pulanglupa Uno, Pulanglupa Dos, Talon Uno, Talon Dos, Talon Tres, at Zapote.

Ang water service interruptions sa Barangay Almanza Uno, Pilar, Talon Dos, at Talon Singko sa Las PiƱas City ay mararanasan simula 10:00 p.m. hanggang 4:00 a.m. araw-araw.

Sa ParaƱaque City, ang mga Barangay BF Homes, Don Bosco, Marcelo Green, San Antonio, at San Martin de Porres ay walang supply ng tubig mula 6:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Ipatutupad ang water service interruption simula 2:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. araw-araw sa Barangay Mervile, at Moonwalk, ParaƱaque City, at Barangay 201 sa Pasay City.

Ipatutupad ang water service interruption sa Barangay Don Bosco, Marcelo Green, San Antonio at San Isidro ParaƱaque City simula 2:00 p.m. hanggang 11:59 p.m. araw-araw at Barangay 181 hanggang 185 sa Pasay City.

Hinihikayat ng Maynilad ang mga customer na apektado ng water service interruption na mag-imbak ng sapat na tubig kapag may supply para sa kanilang konsumo. RNT