#WalangTubig sa ilang lugar sa Rizal, Enero 5-7

#WalangTubig sa ilang lugar sa Rizal, Enero 5-7

January 5, 2023 @ 10:23 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inianunsyo ng Manila Water Company (Manila Water)  na makakaranas ng water service interruption ang ilang bahagi ng bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal at Marikina City dahil sa pagpapabuti ng serbisyo nito mula Enero 5 hanggang 7.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay bahagi ng Barangay Burgos at San Jose sa Rodriguez (Dela Costa Homes Phase 1 at Phase 2, Curayao at Forestryville) mula 10 p.m. ng Ene. 5 hanggang 2 a.m. ng Ene. 6, partikular sa Forestryville dahil sa isang line maintenance.

Apektado rin ang mga bahagi ng Barangay Industrial Valley Complex, partikular sa Olandes STP Deep Well Sitio Olandes, dahil sa emergency energization at line maintenance mula 10 p.m. ng Ene. 6 hanggang 3 a.m. ng Ene. 7.

Pinayuhan ng water concessionaire ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na tubig para sa kanilang mga pangangailangan sa panahon ng mga aktibidad sa pagpapabuti ng serbisyo.

Pinaalalahanan nito ang mga apektadong customer na kapag naibalik na ang serbisyo ng tubig, dapat silang magsagawa ng flushing at hayaang dumaloy ang tubig sa loob ng ilang minuto hanggang sa maging malinaw.

Para sa mga update o alalahanin, maaaring tawagan ng mga customer ang Customer Care Hotline ng Manila Water 1627. RNT