#WalangTubig sa ilang parte ng Maynila, Makati, P’que, Las Pinas, Pasay!

#WalangTubig sa ilang parte ng Maynila, Makati, P’que, Las Pinas, Pasay!

July 15, 2022 @ 7:42 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Ilang customer ng Maynilad ang makakaranas ng water service interruption simula ngayong Biyernes, ayon sa anunsyon ng water concessionaire.

Ito ay dahil kailangang ayusin ang isang sirang tubo at kabilang sa mga apektadong lugar ang ilang barangay sa Maynila, Makati, Paranaque, Las Pinas at Pasay na tatagal mula Hulyo 16 hanggang 17.

Bunsod ito nang aksidenteng mabangga ng isang third party contractor ang tubo ng tubig sa kahabaan ng Pureza Street corner Abad Santos sa Sta. Mesa, Maynila na nagdulot ng malawakang pagtagas sa lugar.

Ang contractor ay gumagawa ng drainage project sa site simula noong Lunes.

Kasalukuyang nagsasagawa ng assessment at repair ang Maynilad sa nasirang pipeline.

Ayon sa Maynilad, dapat munang i-drain ang tubig sa site para malantad ang nasirang pipeline.

Sinabi ng Corporate Communications head ng Maynilad na si Jennifer Rufo, na dapat alisin ang tubig sa site at upang magawa ito ay kailangang isara ang ilang mga pipeline.

“In some portions po, 18 hours po ‘yung interruption pero in some areas as long as 36 hours,”aniya na tinutukoy ang tagal ng mangyayaring water service interruption.

Ang mga lugar na apektado ay ang mga sumusunod:

Magpapakalat ang Maynilad ng mga mobile water tanker na magbibigay ng maiinom na tubig sa mga apektadong lugar.

Binalaan din ng kumpanya ng water utilities ang publiko na kapag naibalik na ang serbisyo ng tubig ay maaaring mapansin ng mga customer ang ilang kalawang na kulay.

Maaaring payagan ng mga kostumer na dumaloy ang tubig hanggang sa maalis ito o gamitin ito sa pag-flush ng mga palikuran o paggamit sa pagdidilig ng mga halaman upang maiwasan ang pag-aaksaya. RNT