Walden Bello may patutsada kay VP Sara matapos makalaya

Walden Bello may patutsada kay VP Sara matapos makalaya

August 10, 2022 @ 1:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Patuloy ang batuhan ng patutsada sa pagitan nina Vice President Sara Duterte at dating vice presidential candidate Walden Bello, sa kabila ng paglaya ng huli matapos makapagpiyansa sa isinampang cyber libel charges.

Sinabi ni Bello nitong Miyerkules na balak niyang patunayan na inosente siya. Tumugon din siya sa akusasyon ni  Duterte na nago-”obssess” ito sa kanya.

“I think when you talk about obsessing, actually, it is the Vice President obsessing because they have pushed this case, they have not dropped it after the elections,” pahayag niya.

“They have pushed this case to the legal process ending in my being arrested. It is a case of the Vice President being really, really upset by the truth of the record as mayor of Davao and responding in this way, weaponizing the law. It is the Vice President that is obsessing over me…She should just stop evading the issue. She is behind it. Everybody knows that,” dagdag ni Bello.

Sinabi ni Duterte nitong Martes na wala siyang kinalaman sa pagkakaaresto ni Bello.

“I have never filed a libel case in my life. Criticisms do not deserve even a backward glance because the accomplishments of Davao City under my leadership are already set in stone,” giit ni Duterte.

“Mr. Bello should focus on salvaging what remains of his dignity and self-respect, I am asking him to stop obsessing over me — and stop blaming me for his fall from grace,” dagdag niya.

Nakalaya si Bello mula sa police custody nitong Martes matapos makapag-piyansa. Nahaharap siya sa dalawang count ng cyber libel filed na inihain ni dating Davao City chief information officer Jefry Tupas.

Kinwestiyon ni Bello ang record ng dating fellow vice presidential bet bilang Davao City mayor, at sinabing ang lungsod “has become the drug smuggling center of the South.” Kinwestiyon din niya ang umano’y pagkakasangkot ni Tupas sa illegal drug trade,matapos mamataang dumalo sa isang pagtitipon kung saan nasabat ng mga pulis ang P1.5 halaga ng hinihinalang illegal drugs. Hindi bababa sa 17 indibidwal ang naaresto rito, subalit hindi kabilang si Tupas sa kanila. Sinibak siya sa kanyang pwesto sa city government dahil sa insidente.

Samantala, umaasa namna si Bello na mabibigyang-diin sa kanyang kaso ang dekriminalisasyon ng libel upang mapigilan ang ibang politiko na gamitin ang batas.

“I know there are now efforts in the Senate and House of Representatives to decriminalize libel. It’s about time because if you don’t decriminalize it, we will always have an opportunity for politicians who cannot defend their record, resorting to weaponizing the law,” aniya. “And this is exactly what Vice President Sara Duterte has done: weaponize the law against her critics.” RNT/SA