Walden Bello nakalaya na

Walden Bello nakalaya na

August 9, 2022 @ 6:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinalaya na si dating vice presidential candidate Walden Bello mula sa Camp Karingal, ayon sa kanyang executive assistant at Laban ng Masa spokesperson Leomar Doctolero nitong Martes.

“Walden has been released,” pahayag ni Doctolero.

Nakaditine si Bello sa Camp Karingal mula Lunes ng hapon matapos maaresto sa kanyang tahanan sa Quezon City kaugnay ng cyber libel case na inihain ni dating Davao City chief information officer Jefry Tupas.

Ang kanyang piyansa ay umabot sa P48,000.

Inilahad ni Doctolero na inaasahan na nila ang pagkakaaresto ni Bello matapos ma-indict ng Davao City Prosecutor’s Office noong nakaraang buwan. Ibinasura rin ang kanyang motion for reconsideration.

Magugunitang noong Marso, naghain ng cyber libel complaint si Tupas laban kay Bello dahil sa pahayag ng dating mambabatas ukol sa pagdalo sa isang beach party Davao de Oro noong Nobyembre 2021 na na-raid ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Nilinaw ni Tupas na dumalo siya sa event subalitt agad na umalis matapos makakain at bago pa man maganap ang raid. RNT/SA