Walk-in COVID vaccination sa edad 5-11 ‘di pinaburan ng DOH

Walk-in COVID vaccination sa edad 5-11 ‘di pinaburan ng DOH

January 28, 2022 @ 5:45 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sinalungat ng Department of Health (DOH) ang ideyang walk-in COVID-19 vaccination sa mga batang nasa edad lima hanggang 11 upang maiwasan ang pagdami ng tao sa vaccination sites.

“Hinihikayat po namin iwasan ang pag walk-in at magparehistro upang maiwasan ang pag o-overcrowd sa ating health center na maaring magdulot ng pagkalat ng virus,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa media briefing.

Nakatakda ang rollout sa Metro Manila sa Pebrero 4 partikular na sa National Children’s Hospital, Philippine Children’s Medical Center, at Philippine Heart Center.

Kakailanganin namang magdala ng mga magulang ng dokumento na nagpapatunay sa relasyon nito sa bata.

Paalala pa ni Vergeire, magsuot ng face mask at panatilihin ang social distancing. RNT/FGDC