Walk-in policy sa vaccination sites sa NCR tuloy pa rin

Walk-in policy sa vaccination sites sa NCR tuloy pa rin

January 4, 2022 @ 6:12 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Kahit na hindi residente ng Metro Manila ay nakipagsiksikan sa vaccination sites nitong Martes upang magpabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa gitna ng pagtaas ng kaso ng virus sa National Capital Region (NCR).

Nasa dalawang malls at anim na pampublikong paaralan ang ang vaccination sites sa Maynila na nag-aalok ng first, second, at booster shots habang 45 health centers ang nag-aalok ng primary doses, na lahat ay sumusunod sa first come, first served basis.

Libre rin ang swab tests para sa lahat sa lungsod.

Hanggang nitong alas-10 ng umaga ng Lunes, nakapagturok na ng 3,039,022 doses sa Maynila.

Sa kabuuan, 1,489,068 ang fully vaccinated, kabilang ang mga naturukan ng single-dose Janssen vaccine.

Nasa 222,656 menor-de-edad naman ang nabakunahan na ng Pfizer jabs, kung saan 104,587 ay nakumpleto na ang  two doses.

Aabot sa 121,641 ang kabuuang booster shots.

Siniguro naman ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sapat ang suplay ng bakuna sa lugar.

“Ako ay nananawagan, ito ay magiging pandemya ng mga hindi bakunado. Ayon sa mga datos na meron kami, ang mga naiimpeksyon ay hindi mga bakunado,” panawagan ng alkalde. RNT/SA