Walk-in sa 2nd booster dose, pwede sa Valenzuela

Walk-in sa 2nd booster dose, pwede sa Valenzuela

April 28, 2022 @ 9:27 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pwede ang walk-in sa pagtuturok ng 2nd booster dose sa Valenzuela City na sisimulan Biyernes, Abril 29, 2022 para sa immunocompromised na indibidwal edad 18 pataas na tumanggap ng kanilang 1st booster dose tatlong buwan o higit pa ang nakakalipas.

Ang mga kwalipikado ay hinihikayat magtungo sa Valenzuela City Astrodome upang magpabakuna.

Bukas ang nasabing vaccination site Lunes hanggang Linggo, 8:00 am – 5:00 PM.

Kailangang dalhin ang VCVax Passport/vaccination card, booster card, medical certificate na inisyu sa loob ng nakaraang anima na buwan, at isang valid/government-issued ID.

Ipinapatupad ang first come, first served basis at 800 katao lamang ang maaaring tumanggap ng 2nd booster dose kada araw. Merly Iral