Walk-in sa booster shot pwede na sa OSPAR

Walk-in sa booster shot pwede na sa OSPAR

March 29, 2022 @ 1:20 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Ospital ng Paranaque-II (OSPAR-II) na tumatanggap na sila ng mga walk-in para sa pagtuturok ng booster shots sa 18-taong gulang pataas na nagsimula nitong Marso 28 at magtataagal ng hanggang Abril 2.

Ayon kay OSPAR medical director Dr. Jefferson Pagsisihan, nag-aalok ang lokal na pamahalaan ng AstraZeneca vaccines sa mga nais maturukan ng ikalawang dose at booster shots sa kanilang ospital ng ala 1:00 hanggang alas 5:00 ng hapon mula Marso 28 hanggang Marso 31.

Sinabi ni Pagsisihan na mula Abril 1 hanggang Abril 2 naman ay nakahandang magturok ng booster shots ang ospital mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Nagsasagawa din ang lokal na pamahalaan ng pagtuturok ng Pfizer vaccines sa mga indibidwal na hindi pa bakunado gayundin sa mga magapaturok ng ikalawang dose ng bakuna.

Kasabay nito ay sinabi ni Pagsisihan na nagtuturok din ng bakuna ang ospital sa mga kabataan na nasa edad 12 hanggang 17 at sa mga tsikiting na nasa edad naman na 5 hanggang 11 taong gulang.

Para sa mga kabataan na nasa edad 12-17 taong gulang ay nakapagturok ang lokal na pamahalaan ng Pfizer vaccines bilang una at ikalawang dose nitong Marso 28 na nagsimula ng ala 1:00 ng hapon hanggang alas 6:00 ng gabi at muling ipagpapatuloy ang pagtuturok ng naturang vaccine sa Abril 1 at 2 mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 lamang ng hapon.

Nakaiskedyul naman ang mga nasa edad 5-11 taong gulang na tsikiting ng kanilang pagbabakuna ng Pfizer vaccines ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon na sinimulan nitong Marso 28 at magtatapos to 31. James I. Catapusan