Walk-in visa application para sa mga Pinoy binuksan sa Korean Embassy

Walk-in visa application para sa mga Pinoy binuksan sa Korean Embassy

June 1, 2022 @ 5:12 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sisimulan nang iproseso ng Korean Embassy sa Manila ang walk-in visa applications.

Sa isang abiso. Sinabi ng embahada na ang mga aplikasyon para sa tourist visas (C-3-9) ay tatanggapin mula Lunes hanggang Biyernes, maliban sa holidays, mula alas-8:30 hanggang alas-11 ng umaga.

“(The) official list of designated travel agencies will be released soon. Once the application through the designated travel agencies resumes, walk-in applications will no longer be accepted. Please regularly check the Korean Embassy’s website for further visa announcements,” sabi nito.

Tatagal ang processing period ng limang working days o higit pa, na may daily limit depende sa dami ng natatangggap na visa applications.

Inilahad din ng embahada na naka-depende ang visa requirements sa hanapbuhay ng aplikante:

  • Para sa empleyado

https://overseas.mofa.go.kr/ph-en/brd/m_3277/view.do?seq=684566&page=1

  • Para sa negosyante

https://overseas.mofa.go.kr/ph-en/brd/m_3277/view.do?seq=684567&page=1

  • Para sa estudyante

https://overseas.mofa.go.kr/ph-en/brd/m_3277/view.do?seq=684574&page=1

  • Para sa religious workers

https://overseas.mofa.go.kr/ph-en/brd/m_3277/view.do?seq=684575&page=2

  • Para sa housewives

https://overseas.mofa.go.kr/ph-en/brd/m_3277/view.do?seq=684576&page=2

Ipinaalala naman ng Korean Embassy na lahat ng mga isusumiteng dokumento ay hindi na ibabalik sa aplikante. RNT/SA