Wall construction ng BuCor sa Muntinlupa ipinatitigil ng DOJ

Wall construction ng BuCor sa Muntinlupa ipinatitigil ng DOJ

November 27, 2021 @ 3:48 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Corrections (BuCor) na itigil ang konstruksyon ng pader sa Barangay Poblacion sa  Muntinlupa City.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kailangan ng mas maayos na konsultasyon sa lokal na pamahalaan at barangay.

Hindi rin aniya naabisuhan ang DOJ sa plano ng BuCor.

Sa naunang ulat, winasak ng mga residente ng Muntinlupa City ang nilagay ng BuCor na harang sa Katarungan Village 1 at 2. RNT/FGDC