Walo arestado kabilang ang 2 bebot

Walo arestado kabilang ang 2 bebot

July 18, 2018 @ 1:42 PM 5 years ago


Manila, Philippines –Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District ang walo katao kabilang ang dalawang babae sa  Anti-Criminality Campaign kagabi sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

Naunang naaresto ng MPD-PS 7 ang mga suspek na sina Sara  Qyimbao, alyas Nini, 32, dalaga, walang trabaho ng 4387 L. Bernardino St., Valenzuela City; Delmira Villanueva, 44, dalaga, nakatira sa 765 Prudencia St., Tondo, Maynila;  Rogelio Silverio Jr, 20, binata ng 1581 Pacheco corner Masagana St., Tondo, Maynila; at Rolando Eugenuo, 43, walang asawa at trabaho, residente ng no.21  Arnold St., Tondo, Maynila.

Habang naaresto naman ng MPD-Station 11 sina Daniel de Paula, 38, may live in partner, barker,  nakatira sa no.24 Basan St., Quiapo, Manila; Noli Estrella, 42, scavenger , residente, 17 Del banko St. ,Escolta, Maynila at kapwa miyembro ng Batang City Jail; Ismael Denden, 26, binata , miyembro ng Commando Gang, nakatira sa Asuncion St., Tondo, Manila; at si Jestoni Reyes, 27, binata, helper ng  Asuncion St., Tondo, Maynila .

Nauna rito, nagsagawa ng buy-bust operation ang SDET PS-7 dakong alas -11:10  kagabi sa kahabaan ng  Prudencia St., corner Endaya, Tondo, Maynila  na nagresulta ng pagkakaaresto ng apat na suspek na nakumpiskahan ng 9 sachet ng shabu.

Habang naaresto naman ang apat na iba pang mga tauhan  ng MPD-PS 11 sa isang shanty sa kahabaan ng Muelle de  Banco National sa Sta.Cruz, Maynila dakong alas-2:30 ng madaling araw kung saan naaresto ang mga ito at nakuhanan ng apat na sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Sasampahan ng kasong paglabag sa kasong R.A. 9165 o (Comprehensive Law on Dangerous Drugs Act of 2002). (Jocelyn Tabangcura-Domenden)