MAE SAI, Thailand – Walong bata na na-rescue sa isang kuweba sa Thailand, mayroong ‘good mental and physical health’ at humihingi pa ng mga tsokolate, ayon sa isang opisyal kanina (July10) bagama’t ang dalawa sa mga ito ay niresetahan ng antibiotics dahil sa pneumonia.
“Everyone is in a good mental state,” sabi ni Jesada Chokedamrongsuk, permanent secretary ng public health ministry sa isang panayam sa Chiang Rai hospital.
“None of the eight boys has fever today,” dagdag pa niya sa kasalukuyang kalagayan ng mga bata.
Unang na-rescue sa Tham Luang cave ay ang mga batang lalaki na nasa edad 12-16 noong Linggo at Lunes habang ang huling apat at ang kanilang coach ay nananatili pa ring trap sa ikalabingpitong gabi sa kuweba.
Una nang nagbabala ang mga eksperto sa posibleng pagkakaroon ng psychological trauma o si kaya’y infections na maaring makuha ng mga bata sa kuweba.
Ani naman ni Jesda, ang grupo ay sumailalim na sa x-ray at bloodtests at sinabing ang dalawa ay kinakitaan ng sintomas ng pneumonia ngunit binigyan na ng antibiotics at “in a normal state” na.
Dagdag niya pa, ang grupo ay kaya ng kumain, gumalaw-galaw at magsalita.
“They (all the boys) will have to stay in the hospital for one week to wait for their results and to see if anything changes,” sabi niya.
Ayon naman kay Thongchai Lertwilairattanapong, Inspector General of the Public Health Ministry, ang unang apat na bata na na-rescue noong Linggo ay nakakakain na ng normal.
“They’re asking for chocolate. We can see that everything is ok as they’re eating well.”
Nananatili pa rin sa quarantine ang mga bata ngunit ang ibang mga magulang ay nakikita lamang ang kanilang mga anak sa likod ng salamin.
Ang Thailand ay patuloy na nagsasagawa ng rescue mission upang sagipin ang natitirang miyembro ng ‘Wild Boars’ matapos silang ma-trap sa Tham Luang cave noong nakalipas na dalawang linggo dahil sa pagtaas ng baha. (Remate News Team)