Walong heritage house sa Marinduque, natupok ng apoy

Walong heritage house sa Marinduque, natupok ng apoy

July 2, 2018 @ 1:13 PM 4 years ago


 

Boac, Marinduque – Nilamon ng apoy ang walong bahay sa heritage area sa bayan ng Boac, Marinduque kaninang umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na ang apoy ay sumiklab alas-5:30 ng umaga mula sa isang lumang bahay sa gitna ng Boac.

Hindi pa diniditermina ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng sunog habang si  Bureau of Fire Protection-Marinduque officer-in-charge Col. Maria Victoria Brual ay maglalabas pa lang ng statement tungkol sa nasabing insidente.

Ang walong bahay ay kasama sa heritage mapping na ginawa noong nakalipas na limang taon.

Ang mga lumang bahay na ito ay gawa sa mga matataas na klase ng kahoy na mayroong mga antigong kasangkapan sa bahay ang natupok ng nangangalit na apoy na tumagal ng tatlong oras.

Kabilang sa mga natupok ng apoy ay ang historical house ni yumaong Capt. Perroco na siyang may hawak ng heritage marker ng National Historical Commission of the Philippines.

Samantala, patuloy naman ang clearing operation sa mga lugar at wala namang naitalang nasugatan sa insidente. (Remate News Team)