Walong pulis at apat na bumbero sugatan, sa pambabato ng militante sa US embassy

Walong pulis at apat na bumbero sugatan, sa pambabato ng militante sa US embassy

July 22, 2018 @ 4:25 PM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Walong miyembro ng District Mobile Force Batallion ng  Manila Police District ang at apat na tauhan ng Bureau of Fire Protection  , ang sugatan , makaraang pagbabatuhin ng may 300 militanteng nagsagawa ng rally sa tapat ng US Embassy, sa Roxas Boulevard, Ermita, Manila, iniulat ng pulisya.

Mabilis namang naisugod sa Ospital ng Maynila ang mga biktima , at nagtungo sila sa tanggapan ni P/Sr.Insp. Henry Navarro , hepe ng MPD-General Assignment Investigation Section , upang maghain ng reklamo laban sa mga militanteng grupo na kinabibilangan ng Migrante, Karapatan, Anakbayan , Anakpawis, Kabataan party list, Gabriela na pawang nagmula sa Southern Tagalog.

Batay sa ulat ng pulisya bandang 4:00 ng hapon , nang magsimula ang  programa ng mga ralliyesta sa Plaza Ferguzon sa  northbound ng Roxas . Boulevard sa Ermita.

Inabot ng halos 6:00 ng gabi, at  puwersahan nang itinulak , para makalapit sa kabilang bahagi ng Roxas Boulevard sa.harapan ng US Embassy kaya napilitan din ang mga tauhan ng Civil Disturbance Management (CDM) na harangan sila.

Sa puntong iyon ay nagka-initan hanggang sa pagbabatuhin ng mga raliyista ang mga pulis gamit ang mga stick at bato at inaagawan pa ng kanilang kalasag upang tamaan.

Hindi naman  nagpabaya ang CDM contingents na mahawi sila at idinesperse ang mga  milit5ante sa kabila ng pag-ulan ng mga bato, sticks at pagigitgitan.

Matapos ang kaguluhan ,  tuluyang nang napa-alis sa harap ng US Embassy ang mga raliyista at nagtungo ang mga nasaktan at sugatan pulis sa MPD headquarters. [RENE CRISOSTOMO]

Video (c) Ron Lopez