“Wangbu” kulong sa pag-aamok bitbit palakol, balisong

“Wangbu” kulong sa pag-aamok bitbit palakol, balisong

June 10, 2022 @ 11:15 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi pa malinaw kung sabog sa droga, lasing, sinapian ng masamang espiritu o may diprensya sa pag-iisip kaya armadong nagwala kaya’t hinuli ang isang lalaki sa Malabon City.

Alarm and scandal at illegal possession of deadly weapons ang haharaping kaso ni Junior C. Francisco, 50, ng Barangay Panghulo, Malabon.

Dakong 10:45 p.m. ng Hunyo 8 ay nagpapatrolya sa Karisma Village, Barangay Panghulo, ng lungsod ng mga alagad ng batas.

Walang babalang iniluwal ng dilim ang tila nabubuwang na si Francisco na armado ng palakol at balisong ngunit ‘di naman nagpasindak ang mga parak at sinakote ang suspek at idiniretso sa presinto. Merly Iral